Chance

Huli man daw ang pagsisisi may umaga naman pagtapos ng gabi.

Narinig ko lang sa isang kanta tapos di ko makalimutan, pero tama nga naman diba? Hindi muna mababalikan yung nakaraan kahit magsisisi ka pa ang tanging magagawa mo na lamang ay matuto ka sa pagkakamali mo at pagandahin yung kinabukasan mo.

PANIBAGONG ARAW, PANIBAGONG PAG-ASA!

Miles

Habang nakikinig ako sa mga huni ng ibon at nilalasap ang hangin, bigla akong napaisip na may pag-asa pa bang masilayan ka kahit sa ilang minuto lamang?

Tumingin ako sa ulap at napangiti. Alam kong meron, hanggang iisang langit lang ang ating tinitignan, may pag-asa pa. Hanggang isang araw lang ang nagbibigay liwanag sa atin, may pag-asa pa. Hanggang isang buwan ang nagbibigay ng tanglaw sa dilim ay may pag-asa pa.

Magkaiba man ang oras, malayo man ang pagitan subalit alam kong dadating ang panahon na tayo ay pagtatagpuin.

Sana, Sana.

balik tanaw

Balikan lang natin ang nakaraan sa ilang sandali. May mga alaala talaga tayo sa buhay na kahit na sobrang panget noong pangyayaring iyon ay hindi natin malimutan. Bakit nga ba ganon? Pero sabagay parte iyon ng kung sino tayo ngayon. Naaalala ko pa iyong mga panahong may mga ilang tao ang ayaw sakin, sa presensya ko wala naman akong magagawa doon dahil tao lang naman ako at hindi perpekto. May nakasagutan pa nga ako sa chat noong panahon na iyon na nakapagbitaw ng mga salitang talaga namang hindi mabura bura sa aking isipan bagamat nasaktan ako noong panahong iyon sa mga salitang nasabi sakin subalit mayroong bagay na mas nakasakit sa akin yon yung panahong sinubukan kong makipag ayos, sinubukan kong humingi ng tawad ng ilang beses dahil tinanggap ko sa sarili ko na nagkamali ako subalit sa kabila ng iyon ay may nasasabi pa rin pala sila sakin sa tuwing ako’y nakatalikod, na kahit anong gawin kong tama ay mali pa rin sa paningin nila kaya ngayon masasabi ko sa sarili ko na natuto ako, natuto akong ipahinga yung sarili ko sa pagiisip kung ano ba yung mga pagkakamali ko dahil tao lang din naman ako na napapagod at nangangailangan ng pahinga kaya noong oras na napahinga ko na iyong sarili ko sinubukan kong ibukas ulet ang pinto ng pagpapatawad at alam mo kung ano ang isa sa pinakamagandang bagay na nangyari sakin? Yon yung nakipagayos ako, nakipagbati ako at sinubukan ko ulit na makisama sakanila at tinanggap ko ng buo ang sarili ko kahit na alam kong marami akong pagkakamaling nagawa at kung paguusapan muli nila ako hindi ko na dapat problemahin iyon.

P.S. Nainspire ako sa sinulat (Everything I forgot while in quarantine) ni Kuya Jan Paul (feel ko lang mas matanda siya sakin).

Buwan

“Andito lang ako lagi para saiyo”.

Mga katagang paulit ulit mong binibitawan sa tuwing naguusap tayo subalit kahit ilang beses mong banggitin sa akin ang mga salitang iyan, hindi pa rin ako naniniwala at kahit kailan ay hindi ako maniniwala dahil alam ko na katulad ka rin nila, katulad ka rin ng kalendaryo na pagkatapos ng ilang araw o linggo nagpapalit na ng “buwan” at katulad ka lang din ng “buwan” na aalis din pagdating ng araw.

Good Deed

Hanggang ngayon sariwa pa din sa aking isipan ang winika ng isang taong kahit kailan ay hindi ko malilimutan.

Sa kabila ng mga mukha niyang matapang at walang pakialam hindi ko inaasam na may iwiwika siya sakin na hanggang ngayon ay aking sinasabuhay.

Ako kase iyong tipo ng tao na laging umiiyak pag nakakuha ng mababa sa mga pagsusulit o sa kahit anong bagay sa paaralan subalit dahil sa mga salitang binitawan niya ay naisip ko na may mas mahalaga pala sa mga grado na matatamo mo.

“Iyang medals na iyan, kinakalawang iyan”.

“Iyang certificates na iyan, nalulukot iyan, napipilas yan”.

“Iyang trophies na iyan, naluluma at nabubulok din yan”.

“Iyang pagiging top na iyan, award man iyan pero may mas mahalagang bagay pa diyan”.

“Pero yung mabuting pakikitungo mo sa bawat taong nakakasalamuha mo iyan ang bagay na hindi mawawala sa kanilang puso’t isipan, yung alaala na iiwan mo sa bawat taong nakasama mo yon ang isa sa pinakamagandang bagay na nagawa mo”.

Tama nga siya, mahalaga man hanggang ngayon para sa akin ang matataas na marka, ang mga awards mula sa eskwela pero ngayon mas naunawaan ko na, na mas mahalaga ang pagiging mabuti at pagpapakatao sa lahat ng makakasalamuha mo.

A piece of shit

“Hindi nila naririnig hinaing sa barung-barong”.

“Dahil palasyo nila’y may matibay na bubong”.

“Hindi nila naririnig mga kumakalam na tiyan”.

“Hindi tulad ng mesa nilang parang laging may handaan”.

Ikaw ba naririnig mo ba sila? ikaw ba?

Teka lang, ikaw ba naririnig mo ba ang hinaing ng taong bayan? Maglaan ka ng ilang minuto upang buksan mo ang iyong isipan sa pag- unawa sa iyong lipunan. Mapusok ang mundo, teka hindi ang mundo ang mapusok kundi ang mga tao na nakatira dito. Naiintindihan mo ba sila o isa ka din sa mga tao na walang pakialam sa nangyayari sa kapwa.

Madilim at mapusok na mundo, may pag-asa pa ba ang pagbabago?

today’s realization

Kasama natin ang Diyos kahit hindi natin siya nakikita.

Ang buhay natin ay parang paglalakbay sa isang madilim na lugar na hindi natin alam kung ano ang mangyayari. Nabubuhay tayo dito sa mundo na hindi natin alam kung ano ang susunod na mangyayari sa atin. Pero kahit na hindi natin alam o nakikita ang plano ng Diyos para sa atin, siya ay ating maaasahan at mapagkakatiwalaan. Because he promised in Matthew 28:20 “I am with you always, to the very end of the age.” Hindi man natin alam kung ano ang mga nangyayari sa ating buhay o sa mundo, matuto tayong magtiwala sa Panginoon dahil sasamahan niya tayo hanggang sa dulo.

Glory to God.

Apology Accepted

Sorry, ano nga daw ba ang nagagawa ng “sorry” gayong nasira mo na ang tiwala ng taong malapit sa iyo?

Madaming bagay ang kinukumpara nila sa salitang sorry.

Baso, sabi nila pag ang baso daw ay nabasag magsorry ka man di na ito babalik sa dati.

Sticker, pag daw tinanggal mo ang sticker tapos pinakat mo ule, papakat man subalit hindi na kasing tibay ng dati.

Ilan lamang iyan sa mga bagay na hinalintulad nila sa sorry, subalit may tanong ako saiyo, baso ka ba? sticker ka ba? hindi naman diba?

TAO KA, kaya oo kaya mong magpatawad, alam ko sasabihin mo “hindi madali” o kaya “wala ka sa sitwasyon kaya nasasabi mo yan” oo hindi madali “it takes time” sabi nga nila pero kaya mo nararamdaman yung “pain” “sorrow” “sadness” na iyan kase nakasara yung puso mo sa pagpapatawad. Hindi mo sila papatawarin para sa sakanila kundi para sa sarili mo para magkaroon ka ng “inner peace” Masarap sa “feeling” pag nakapagpatawad ka siiis ibang klaseng “fulfillment”. Natatakot ka kase baka masira din yung tiwala mo sa second time? It’s ok tao ka, tao sila, lahat tayo nagkakamali. “Everyone has to be given a chance” kahit ilang chance pa ok lang yon. Pwede mo silang patawadin pero this time dapat mas maging maingat ka, maging matatag ka. Diba ang rupok ng dating? Pero walang masama sa pagiging marupok, hindi naman nakakamatay iyon.

Pero para sa mga taong humihingi naman ng sorry may tatlong parts iyan siiiss

Una, dapat marealize mo na nagkamali ka, marealize mo yung mali mo.

Pangalawa, dapat isipin mo yung taong nasaktan mo, hindi niya deserve iyon.

Pangatlo, Maging better ka, magbago ka para na din sa sarili mo.

Si Jesus diba kung ano ano na ginawa sakaniya, pinagkaisahan na siya ng sansinukob subalit noong nakapako siya sa krus ang sinabi pa niya “Ama patawarin mo sila sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa”.

Oo besh ilang beses na rin akong nagpatawad at hindi ako magsasawang magpatawad.

P.S. Huwag kang magpatawad kung susumbat mo lang din yung pagpapatawad mo.

Virtual

Hindi ko makwento sa iba kaya susulat ko na lang. Wait di ko alam kung pano sisimulan ito na nga maikwento na.

May 16, 2019

**** ******* sent you a friend request

Nagulat ako ng may nagfriend request sakin na taga Canada hello? nasa Pilipinas ako tapos ang layo diba san naman kaya ako nahanap non HAHAHA pero Pilipino den naman siya. Syempre bago ko iaccept inistalk ko muna nakita ko naman na friend siya ng mga kaibigan ko tsaka tbh cute siya eh bakit ba HAHAHA so inaccept ko na

May 16, 2019 at 8:36 pm

Nagulat ako ng biglang nag pop yung phone ko and siya yung lumabas sa chat head ohmygosh besh nagwave siya HAHAHAHA di pa ko masyadong maharot noong time na iyon kaya nagwave lang din ako tas sabi niya “naapakan” daw sabi ko naman “nasiko” then sabi niya “sorry naupuan talaga yon” di ko na alam sasabihin ko kaya nag bye na ko sakanya HAHAHA pero that time kinikilig ako di ko alam kung bakit.

Tinanong ko sa kaibigan ko kung kilala niya yon sabi niya oo daw nagkacrush daw sakanya dati yon pero di ako nagselos ah HAHAHA di talaga

May 17, 2019 8:24 pm

Mygosh besh nagwave ulit siya then nagwave back ako at tinanong ko sakanya kung naging crush niya yung bespren ko and sabi niya hindi daw then wala na kong maisip na topic kaya ayon nag bye na lang ule ako

Matagal pa bago ulet siya nagwave hinintay ko na lang ayoko ngang magfirst move dalagang Pilipina to noh HAHAHA jk

July 15 2019 (nakalimutan ko yung oras)

So ayon nagwave siya and guess what kung ano napagusapan namin? EMOJI amp HAHAHA wala akong matopic nakakainis ang ikli tuloy ng convo namin tapos sumunod na chat namin birthday niya binati ko lang tapos yon lang.

August 4, 2019

So naging matapang na ko ang bagal niya eh kaya ako na gagawa ng paraan para sa lovestory namin char HAHAHA. Nagwave ako tapos tinype niya yung “waveback” tapos sabi ko “randon wave hehe” nakakahiya kaya kase tas sabi niya “kala ko napindot” sabi ko “lumang palusot na yon” gumagawa ako ng assignment noong time na yon eh pero inuna ko yung pagharot tagal ko ng plano yon eh hmm syempre nagtanong na din ako ng mga banat sa kaibigan ko.

Yan yung nangyari non diba ang bilis ko? Pero joke lang naman talaga yon eh sabi ko “charot” lang yan HAHAHA .

– tsaka ko na ulet tutuloy tinatamad na ko so ayon nga wala lang ako mapagkwentuhan niyan gusto ko lang itype dito and bahala na kung may magbabasa sorry ang harot ko sa part na yan nawala yung dalagang Pilipina eh HAHAHAHA.

Kalapating mababa ang lipad

“Magdalena ikaw ay sawim-palad kailan ka nila maiintindihan”.

Nabuhay ako sa isang mundo kung saan namulat ako sa katotohanan, madilim, mapait at masakit

Pangungutya, sa araw araw na ginawa ng Diyos, yan na lamang ang aking naririnig “malandi” “pokpok” “bayaran” masakit pero wala akong magawa kung hindi tanggapin ang bawat salitang naririnig ko mula sakanila hindi kase nila nararanasan yung naranasan ko at alam kong hindi nila ako maiintindihan.

“Anak, anong nangyari?” sobrang takot ko ng makita ko ang anak ko na namumutla at nagsusuka “Anak dadalin kita sa hospital ha?” paghikbi, pagpatak ng luha, pagiyak magkakamuka lamang ang ibig sabihin niyan at parehas lang ang aking nararamdaman “pighati” kusa kong nararamdaman iyan pag nakikita ko ang anak ko sa ganyang kalagayan

May sakit ang aking anak subalit wala akong pantustos sakanya kaya ako kumakapit sa patalim at kaya ko nagagawang tiisin ang mga panglalait ng ibang tao. Hinding hindi ko kayang makita ang anak ko na nakahiga sa hospital sa ganyang kalagayan. Siya ang buhay ko, siya lang ang masasabi kong pagmamay-ari ko at handa akong gawin ang lahat para sakanya.

Hindi maalis sa aking isipan ang bawat katagang sinabi ng doktor sa akin, tagos sa puso ang sakit wala pa naman akong pera para mapagamot ang aking anak.

“Anak, diyan ka muna ha? iiwan muna ulit kita sa tita mo, pasensya na anak mamaya kukunin kita uuwi tayo satin”.

“Iiwan mo na naman samin iyang anak mo magpapabuntis ka kase ng maaga wala ka namang pantustos, at ano san ka pupunta sa mga lalake mo? Kasalanan mo lahat iyang nangyayari sa buhay mo kaya nawala mga magulang mo kaya pati kami dadamay mo”.

“Ate sorry kailangan ko lang talagang maghanap ng pera para sa anak ko”.

Ingay, usok ng sigarilyo, amoy ng alak ganyan ang buhay ko kailangan kong sayawan ang mga taong mapupusok para kumita ng pera. Natapos na naman ang isang gabing parang impyerno, babalikan ko na ang anak ko.

Hindi na bago sakin ang tingin ng mga mapanghusgang tao habang naglalakad ako papunta sa bahay ng aking pinsan upang kunin ang aking anak.

“Hindi mo man ito nais ika’y alang magagawa pagkat kailangan mong mabuhay sa mundo”.

Hindi ako makatulog binabantayan ko ang aking anak sapagkat ang taas ng lagnat niya , nagulat ako sa nangyari, sumasakit ang buong katawan ng aking anak at iyak siya ng iyak hindi ko na naman alam ang gagawin hindi pa sapat ang pera ko para mapaoperahan ang akin anak subalit dinala ko pa rin siya sa hospital

Nawindang ako at parang hindi makahinga nangyari na ang bagay na kinatatakutan ko huli na nga ang lahat ng sabihin ng doktor na wala ng buhay ang aking anak tangina parang nawalan ako ng gana sa lahat.

Wala na ang mundo ko, ang buhay ko ang sakit sakit parang mababaliw ako sa sakit

“ANAK KO, BUMALIK KA NA SAKIN PLEASE HINDI KO KAYA NG WALA KA, KAYANG KAYA KONG TIISIN LAHAT ANAK PARA SAYO, WAG MO LANG AKONG IWAN PLEASE MALAPIT NG MAIPON NI MOMMY YUNG PERA PARA SAIYO ANAK”.

Noong natapos na ang libing na aking anak ay hindi ako lumalabas, hindi ako makakain o makatulog man lang at iniisip ko ang nangyari sa aking anak tangina kasalanan ko lahat ito eh.

Anak gagawin ko ang lahat makasama ka lang. Habang tumutulo ang luha aa aking mata ay kinuha ko ang lubid at nagpatiwakal tama nga sila isa akong “kalapating mababa ang lipad” hindi dahil mababa lamang ang pangarap ko kundi dahil mababa lamang ang kayang abutin ng mga pakpak ko kaya hanggang dito na lamang ako.

“We are a brainwashed generation”.

-end

Pagpasensyahan niyo na, hindi ako ganoong kagaling sa pagsusulat. Nawa’y mamulat tayo sa katotohanan na hindi lahat ng nakikita natin ay iyon ang ating paniniwalaan maaaring may nakatago sa likod ng pagkatao nila, hindi lahat ng ating naririnig ay totoo kaya maging maingat sa panghuhusga sapagkat hindi mo alam kung ano ang pinagdadaanan nila at sabi nga nila na sa oras na makita mo na ang katotohanan kasalanan na ang pagpikit kaya buksan mo ang iyong mga mata.

Spoliarium

Nakakalungkot, Nakakabagabag, Nakakakilabot. Iyan ang mga salitang pumasok sa aking isipan ng malaman ko ang isang bagay na araw araw kong hinihiling na sana ay di ko na lang nalaman. Sa gabing dapat ay nagpapahinga na ako ay hindi ako pinapatahimik ng aking isipan at tinatanong saking sarili na “ewan mo at ewan natin, sinong nagpakana? at bakit ba tumilapon ang spoliarium dyan sa paligid mo.